News

Denice Cornejo, Tuluyan Nang Nagwagi Laban Kay Vhong Navarro

Isang malungkot na balita nga ang lumabas at nakarating sa pamilya at mga tagahanga at tagasuporta ng comedian, actor, dancer, at TV host na si Vhong Navarro noong nakaraang araw tungkol sa pagkakakulong at sa mga kasong kinahaharap nito na r4p3 at acts of laciviousness na isinampa sa kaniya ng modelo na si Denice Cornejo.

Simula pa lamang ng maihain ang warrant of arr3st para dito, inihahanda na din ng legal team ni Vhong ang paghahain nila ng motion for reconsideration upang maipatigil ang tuluyang pagsasampa ng kaso laban sa aktor. Subalit ilang araw pa lang ang nakakalipas ay ibinasura na ng court of appeals ang apela na ito.

Matatandaan na noong Linggo, Setyembre 25, ay ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Vhong at pagpapalabas ng isang status quo ante order na naglalayon na ihinto ang pagpapatupad ng naunang desisyon ng afiliate court na nag-uutos sa Taguig office of city prosecutor na ihain ang mga naturang kaso.

Ang CA Division na ito ay siya ring division ng korte na bumawi sa mga resolusyon ng Department of Justice at Taguig Prosecutors na dati ng binasura ang alegasyon ni Denice na pang gag4hasa laban sa aktor. Sinabi ng CA Special 14th Division na habang ang mga taga-usig ay may pagpapasya upang matukoy ang posibleng dahilan para sa pagsasampa ng mga kaso, maaaring suriin ng korte kung ang pagpapasya na iyon ay labis na naabuso.

Binanggit ng DOJ ang mga inconsistency sa pagbasura sa mga reklamo ng modelo. Ang CCTV footage ay hindi naman napag-usapan, sa halip ay sinabi ng afiliate court na ang hukuman ang dapat magdesisyon sa mga isyu ng kredibilidad. Ang mga isyu na inihain ni Vhong sa kaniyang motion tulad ng kredibilidad na mga partido ang katotohanan para sa kanilang respective claims at ang lakas ng kanilang ebidensya ay mga bagay na pinakamabuting ipaubaya sa pagpapasya ng trial court pagkatapos ng ganap na paglilitis.

Nanindigan naman si Vhong na hindi maaring utusan ng CA ang Taguig prosecutors na magsampa ng mga kaso dahil ang prosecutor ay hindi partido sa order petition ni Denice. Ngunit sinabi ng CA na lohika na ang syang magdidikta na ang paghahain ng impormasyon ay sumusunod sa pagtukoy ng probable cause. Dagdag nito, ang Taguig prosecutors ay hindi itinuring na hiwalay o naiiba sa Secretary of Justice na isang respondents sa petition ng modelo.

Ang pagbasura sa motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Vhong ay nangangahulugan lamang na hindi makakalabas ng kulungan ang aktor at doon ay mananatili ito hanggang sa masimulan ang paglilitis sa kaso at makapagbigay ng kaniyang desisyon ang hukom na hahawak dito. Kaya naman matagal tagal bago muling lumabas at makita ng madlang people si Vhong sa telebisyon.

Hindi inaasahan ng kampo ng aktor na magkakaroon ng ganitong pasya dahil lahat ng ebidensya na hiningi sa kanila noong unang ihain ang reklamo sa kaniya ay kanilang nai-sumite at walang inconsistency sa mga dokumento na kanilang ibinigay sa korte. Subalit ang lahat ng ito ay nawalan lamang ng saysay dahil tila nakakamtan na ni Denice ang panalo sa paglaban nito sa aktor.

Matatandaan na dalawang beses naibasura noong 2014 ang mga kasong inihain ng kampo ni Denice laban kay Vhong dahil sa lack of meritt at pabago bagong salaysay ng modelo sa tunay na nangyari noong January 17 at 22. Sa pagbasura sa kasong isinampa noon ni Denice, sinabi ng Taguig prosecutors na kaduda duda ang testimonya nito.

Ang pagsasampa ng kaso ay ginawa ni Denice para hindi masira ang kaniyang reputasyon at maging sa pamilya dahil nasa panig niya ang katotohanan. Patuloy naman ang pagkuwestyon ng kampo ni Denice sa lugar kung saan nakakulong ngayon si Vhong. Ilang araw na din kasing namamalagi ito sa National Bureau of Investigation Detention Facility sa Manila. Sinabi ni Atty. Topacio na inutusang arestuhin si Vhong dahil sa pang gagah4s4 at dapat ng makulong sa Taguig City Jail dahil iyon ang nakasaad sa batas at nararapat lamang na ito ay sundin matapos sumuko ng aktor para harapin ang kasong r4p3 at acts of laciviousness.

Patuloy naman sa paninindigan si Vhong na hindi niya ginawa ang mga alegasyon laban sa kaniya. Iginiit nito na wala syang kasalanan at sinabing hindi niya magagawang manakit ng babae dahil may kapatid itong babae at dalawa din ang kaniyang kinikilalang nanay.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button