News

Kasinungalingan Sa Pagtulong Ni Willie Revillame At Bongbong Marcos Kay Vhong Navarro, Ibinulgar

Kaliwan’t kanan na nga ang lumalabas na balita tungkol sa diumano’y paglaya ng komedyanteng si Vhong Navarro sa pagkakapiit niya sa National Bureau of Investigation Detention Center dahil sa dalawang kaso na kinakaharap nito. Hinggil sa mga balitang ito, maraming tao na nakatutok sa storya ni Vhong ang nalito at naguluhan dahil maraming bersyon ang inilabas dito na tila pinapaniwala ang publiko na nakalaya na nga ang aktor.

Ang balita na ito na kumalat sa iba’t ibang social media platforms online ay isang fake news lamang. Walang katotohanan ang balitang lumabas at nananatili pa din sa pader ng NBI ang komedyante.

Madalas ngang napag-uusapan ang tungkol sa kalagayan ni Vhong sa kalasukuyan sa programa ng kolumnista na si Cristy Fermin. Isa na dito ang pagtalakay nila sa kagustuhan ng kampo ni Denice Cornejo na isulong ang kasong rap3 laban sa kaniya kahit matagal na panahon na ang lumipas. Dahil sa puspusan ang pagsusulong nila sa kaso ni Vhong, ilang beses na itong na-deny para sa motion for reconsideration sa panandaliang paglaya nito sa piitan. Ang isa pa sa pinaka matindi nilang pinag usapan sa programa ay ang balitang pagtulong diumano ng kilalng game show host na si Willie Revillame at Pangulong Bongbong Marcos sa paglaya ng aktor.

Ipinaliwanag ni Cristy na hindi totoo ang mga lumalabas online na ginagawa ng game show host at Pangulo sa kaso ni Vhong. Binalikan naman ni Cristy ang kwento noong 2014 kung saan natulungan ni Willie si Vhong matapos nitong maospital dahil sa pagkakabugbog sa kaniya. Aniya, nagpaabot ng P1-M si Willie sa aktor at ito ay kaniyang tulong sa medical expenses ni Vhong. Ang pagtulong ni Willie kay Vhong ay siya naman daw naulit ngayon ayon sa nababasa ng kolumnista.

Kaya naman paglilinaw niya,

“Alam niyo po, hindi lang ngayon. Eto po ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po sa Willie Revillame noon sa ospital, kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1 million na tseke.”

Dagdag niya pa,

“Ang sabi niya kay Vhong, ‘Lipat ka ng kwarto, ‘yung mas malaki. Kasi napakaliit nito, kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo, mapupuno.’ Tapos ‘yung mga doktor, parang magkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie Revillame, hindi lang po ngayon. Noon pa man po.”

Sinabi ni Cristy na hindi lang sa sitwasyon ni Vhong ngayon handang tumulong si Willie dahil nagawa na nito noon pa man ang matulungan ang komedyante. Subalit walang katotohanan na ito ay tumutulong ngayon sa kaso nito. Pinabulaanan din ni Cristy ang kumakalat na balita tungkol sa pagpunta diumano ng game show host sa NBI para dalawin si Vhong. Mayroong mga gawa gawang balita na nagsasabi na nagtungo ito sa NBI para makisimpatya sa sitwasyon ni Vhong ngayon.

“Si Willie Revillame daw ay personal na dumalaw sa piitan sa NBI. Walang-walang katotohanan po. Hindi po pumunta nang personal si Willie Revillame sa NBI para makisimpatya kay Vhong Navarro. Naganap po ang pakikisimpatyang ito noong 2014. Noong nasa ospital si Vhong Navarro sa St. Lukes, dumalaw si Willie.”

Nadamay din sa usapin tungkol kay Vhong ang Pangulo ng bansa ngayon na si Bongbong Marcos. May nagsasabi din kasi na maging ang pinaka mataas na pinuno ng bansa ay tumutulong na sa kaso ng komedyante.

Idikit man ang pangalan ng Pangulo sa isyu ni Vhong, walang katotohanan na tumutulong ito ngayon sa kaso dahil abala ito sa pakikipag-usap sa iba’t ibang pinuno ng bansa upang palakasin ang ugnayan sa kaalyado ng Pilipinas.

Tinalakay din ni Cristy at ng kaniyang mga kasama tungkol sa ilang pulitiko kasama pa din si PBBM na tutulong sa paglaya ni Vhong. Ang mga pangalan ng mga Senador na sina Robin Padilla, Raffy Tulfo, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla ay magsasama sama para makalaya ang komedyante. Pinasinungalingan ito ni Cristy at sinabi na walang sinumang pulitiko ang magsasabi ng kaniyang opinyon na hindi naayon sa batas. Dagdag pa nito, walang sinuman ang mas mataas pa kaysa sa batas.

Ani ng mga kasama ni Cristy, pinag-aralan ng mga mababatas ang batas para sa kapakanan ng lahat at ang tanging magagawa natin ay sumunod sa mga ito. Dagdag din nila, nalalagay bilang headlines ng mga vlog ang tungkol dito dahil mga artista din sina Senador Robin, Jinggoy at Bong. Iniisip marahil ng mga gumagawa ng kwentong ito na magkakasama sila sa iisang industriya bilang mga artista at may posibilidad na tumulong ang mga ito sa kaso ni Vhong.

Nagbahagi naman ng kaniyang opinyon si Senador Bong Revilla sa isyu na kinasasangkutan ni Vhong. Maging siya ay nagulat din sa muling pagbubukas ng kaso. Sinabi din niya na kung ginawa ni Vhong ang akusayon laban sa kaniya ay makikita ito ng korte. Dagdag pa niya, mahirap ang madungisan ang pangalan ng isang tao. Kung walang kasalanan si Vhong dapat ay matapos na ang isyu dahil nakakaawa na magdusa ang walang kasalanan.

Sa kabila ng mga balitang inilalabas online tungkol sa paglaya ni Vhong, isinusulong ngayon ng kampo ni Denice ang pagpapalipat sa komedyante sa Taguig city jail. Sa bahagi ng petisyon ni Denice sa Taguig City Regional Court na siyang nagsampa ng kasong rap3 kay Vhong na agaran na dapat na mailipat ito ng lugar dahil hindi nararapat ang special treatment sa kaniya.

Samantala, ang hiling naman ni Vhong na manatili sa NBI jail ay ibinasura ng korte dahil hindi umano nakapagbigay ng sapat na rason ang komedyante kung bakit ito kailangang manatili sa NBI. Hindi din nakapagpresenta ng sapat na ebidensya na makakapagsabing may banta sa kaniyang buhay maging sa kaligtasan nito sa Taguig City Jail. Ang mga banta na nabanggit sa seguridad ni Vhong ay natanggap ng misis nitong si Tanya sa pamamagitan ng text messages subalit kulang ang ebidensya na kanilang isinumite at ayon din sa ruling, maaaring sari-saring kahulugan ng mga mensahe ang natatanggap nito at hindi ito derektang banta sa buhay ng aktor.

Nanindigan naman ang mga city jail officials na makatao ang pagtrato nila sa mga preso at kanilang pinoprotektahan at nirerespeto ang mga ito.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button