News

Andrea Brillantes, Usap-usapan Dahil Sa Kaniyang New Look

Muli na namang naging usap-usapan sa social media ang young actress na si Andrea Brillantes. Ito ay dahil sa kaniyang new look ngayon.

Hindi maiwasan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na talagang mapa-wow at mapahanga sa kagandahang taglay ng aktres sa bagong larawan nito.

Makikita kasi sa mga nasabing larawan na ibinahagi sa kaniyang Facebook page ang kaniyang new look kung saan siya ay nagpagupit ng pixie cut at nagpakulay din ng blonde. Makikita din ang taglay na kaseksihan ni Andrea sa kaniyang suot na black dress.

Saad ng aktres sa caption ng kaniyang post,

“NEW LOOK, HU DIS?”

Samantala, kaagad naman naging viral sa social media ang naturang larawan ni Andrea. Marami ang pumuri sa aktres dahil bagay na bagay dito ang kaniyang new look. May ilan din na nagsabi na kahit anong style o outfit ng dalaga ay bagay na bagay dito.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“oh even in short hair she still looks stunning”

“Kahit anong style or outfit bagay na bagay tlga sau Blythe. So Gorgeous Young Lady”

“Absolutely gorgeous, Andrea Brillantes my idol”

“Mas lalong gumaganda si Andrea, bagay na bagay po”

“Pakkk na pakkk”

Si Andrea Brillantes ay unang nakilala bilang isang child star. Ngunit ang kaniyang katanyagan ay mas lalo pang umangat nang siya ay gumanap bilang “Marga” sa teleserye ng ABS-CBN na ‘Kadenang Ginto.’

Matatandaan na nito lamang ay isa si Andrea sa napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika matapos ang panayam ni Karen Davila sa young actress tungkol sa pagiging breadwinner niya sa kanilang pamilya sa murang edad. Nagbigay din ng pahayag si Cristy kung bakit madalas na nagba-baby talks ang aktres.

Nagig usap-usapan din ang aktres matapos niyang aminin na siya ay na-diagnose ng congenital anosmia. Sa panayam sa kaniya ni Karen, inamin ni Andrea na wala siyang pang-amoy.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button