News

Pinoy Tricycle Driver, Viral Matapos Umanong Makapangasawa Ng Magandang Foreigner

Sa henerasyon natin ngayon, ilan sa mga tao ay madalas ng tumitingin sa panlabas na anyo ng taong kanilang magugustuhan. Ngunit, mayroon pa rin namang ilan na nananatili na tumitingin sa kung gaano kabusilak at kabuti ang kalooban ng isang tao at balewala na lamang sa kanila ang panlabas na anyo.

Naging usap-usapan sa social media ang ilang mga larawan ng isang Pinoy tricycle driver kung saan makikita nito na mayroon itong kasama na isang magandang foreigner.

Saad naman ng Facebook page na ‘Pilipinas Trending’ na siya ring nagbahagi ng larawan, ang lalaki daw ay nagtatrabaho bilang isang tricycle driver at ang magandang Amerikana na kasama nito sa larawan ay ang siyang napangasawa nito.

Sinabi din sa post ang dahilan kung bakit nagustuhan ng dalawa ang isa’t isa kahit pa man tila malayo ang agwat ng buhay nila sa isa’t isa.

“Guys.. Eto po yung tricycle driver na nakapangasawa ng Amerikana..”

Saad ng naturang post, nagustuhan niya raw sa lalaki ay ang pagiging mabait, hospitable, mapagmahal, at pagiging magalang daw nito.

Ang Amerikana din ay ang siyang nagpatunay na hindi kailangan tumingin sa labas na anyo para magustuhan mo ang isang tao dahil mas nakakaturn-on ang isang tao na mayroong maganda at busilak na kalooban.

Marami naman sa mga netizens ang humanga rinsa Amerikana dahil minahal pa rin nito ang lalaki kahit pa man ito ay tricycle driver lamang.

Saad ng naturang post:

“Tunay na pag-ibig talaga dahil nagustuhan daw ng foreigner na ito ang pagiging hospitable, magalang, mabait at mapagmahal na pinoy, hindi sya tumitingin sa panlabas na anyo.. ”

“Kaya sa mga single dyan wag kayo mawalan ng pag-asa dahil may nakalaan ang Diyos para sa’yo.”

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ukol sa post. Ani ng ilan sa kanila, bumabase daw talaga ang mga ibang lahi sa kabutihang loob ng isang tao at hindi sa pisikal na anyo nito. Habang ang ilang netizens naman ay nagsasabi na talaga naman daw na piliin ang mayroong magandang panlabas na anyo dahil aanhin nga naman ang guwapo kung ito naman ay babaero.

Samantala, ilan naman sa mga netizens ang hindi makapaniwala dahil na-inlove ang foreiger sa lalaki kahit tricycle driver lamang ito.

Para naman sa babae, hindi naman magiging hadlang sa relasyon nila ng tricycle driver ang kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanilang relasyon dahil nag importante lamang sa kanila ay nagmamahalan sila at masaya ng makasama ang isa’t isa.

Pinakita rin ng dalawa na ito na hindi kailanman magiging basehan ang pisikal na anyo ng isang tao dahil ang mas importante ay ang mahulog tayo sa tao na kaya tayong mahalin, igalang, irespeto, at tanggapin ang lahat ng mayroon tayo, maging ang buo nating pagkatao.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button