News

Kilalang Aktres, Naputulan Ng Kuryente Sa Kanilang Bahay At Ngayon Ay Nakatira Sa Puder Ng Ina

Isang napakagaling na aktres sa kaniyang henerasyon at talagang iniidolo noon ng mga kabataan. Una siyang nakita sa Kapamilya network sa variety show na ‘Ang TV’. Naging sikat siya dahil sa television drama na ‘Mula Sa Puso’.

Siya ay tinagurian na ‘Optimum Star’ dahil sa kaniyang napakahusay na pag-arte sa harap ng camera. Siya ang pinaka bunso sa kanilang magkakapatid at kahit ang dalawang kapatid na babae ay kilala din sa buong showbiz. Siya ang dating karelasyon ng sikat na aktor noon na namay4pa na. Ikinasal ang aktres na ito noong 2006 ngunit na-div0rced naman noong 2013. Nabiyayaan siya ng dalawang anak at taong 2015 ay nag-adopt siya ng isang bata.

Kilalang kilala ang pamilya ng aktres na ito dahil na din sa mga kontrobersiya na palaging nasasangkot ang mga pangalan nila.

Kung noon ay napaka aktibo ng aktres na ito sa showbiz, ngayon ay madalang na lamang siyang lumalabas sa mga programa ng telebisyon.

At kamakailan lamang nga ay may isang balita na naman sa artista na ito na si Claudine Barretto. Nawalan umano ng kuryente ang buong bahay ni Claudine noong bisperas ng Pasko dahil naputulan sila ng kuryente. Ito ang pagbubuking ng legal council ng actress na si Atty. Ferdie Topacio sa guesting niya sa isang Facebook live show ni Cristy Fermin, Mr. Fu, at Lolit Solis.

Ani Atty. Topacio,

“Nakakalungkot kasi holidays pa naman. Dapat ay masaya, not just for Claudine. ‘Yung mga bata sana kaya lang naging madilim ang kanilang holidays dahil sa nangyari.”

Nang tanungin kung magkano ang bill nila Claudine, sinabi niya na hindi niya sigurado kung magkano ito.

Dagdag niya,

“Hindi ko alam, eh! Basta ‘yun nga nakakalungkot and I don’t think na nakakahiya naman ‘yun kasi hindi naman niya kasalanan dahil may agreement sa hukuman na may P100,000 a month na para rin sa mga bata. Hindi lang naman si Claudine ang gumagamit ng kuryente ro’n.”

Sinabi pa ni Topacio na ipinagdiwang nila Claudine at ang kaniyang mga anak ang kanilang holidays sa bahay ni Mommy Inday at ang ilang mga kamag-anak ay nagtulong tulong umano para mabayaran ang elecricity bill ng aktres.

Saad ni Topacio,

“Oo and we tried our best na matulungan siya, ‘yun mga ibang relatives niya siyempre tumulong din naman.”

Sinabi din ng abogado na nahihirapan ngayon si Claudine na makatanggap ng allowance mula kaniyang dating asawa na si Raymart Santiago kahit pa man ang usaping ito ay dinala na nila sa korte.

“Hindi naman kung saan-saan lang nakatira. May kita naman and I don’t believe na hindi kaya ni Raymart yung isang daan libo kasi ipinakita sa akin yung mga post niya, nakabili siya ng BMW na motorsiklo. E, para naman ito sa anak mo. And it’s also a cr1m1nal off3nse, he has to choose. Saan niya gagamitin ‘yung 100 thousand? Sa sustento ng mga anak niya o sa abogado niya?”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button