News

Ito Pala Ang Mga Sikat At Gwapong Actor Na Nanligaw Ngunit Nabusted Ng Magandang Actress Na Ito

Ang panliligaw ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay isang panunuyo ng mga lalaki sa mga babae upang hingin ang kanilang puso na maging isang kasintahan nila. Hindi din biro ang mga pinagdaanan ng mga kalalakihan para lamang makuha ang matamis na oo ng isang babae, lalo pa noong unang panahon.

Syempre, sa lahat naman ng mga manliligaw ng isang babae, isa lang dapat ang maaari niyang sagutin at maaari din siyang tumanggi sa mga panunuyo nito.

Ngunit, paano kung sobrang ganda mo at mga nagagwapuhan ang mga nanliligaw sayo? Paano ka nga ba pipili sa mga ito.

Para sa actress na si Sunshine Cruz, marami daw ang nanligaw sa kaniya noon, hindi lamang mga ordinaryo o simpleng mga lalaki, kung hindi mga gwapo at bigatin pang mga personalidad!

Isa na nga sa mga personalidad na na-busted ni Sunshine ay ang batikang actor na si Joko Diaz. Kahit pa man daw na-busted niya ang actor, bumawi naman si Sunshine dito sa pamamagitan ng pagpapakilala niya dito sa kaniyang kaibigan na siyang naging kasintahan ni Joko. Sinabi din ni Sunshine na kaibigan niya ang kasalukuyang asawa ni Joko.

Sumunod naman ay ang actor na si Tonton Gutierrez. Nagpa-tattoo pa daw noon si Tonton ng pangalan ni Sunshine sa kaniyang dibdib upang mapatunayan niya ang pagmamahal niya sa actress. Pumayag naman daw si Sunshine na magpaligaw sa kaniya ngunit kailangan ng actor na maghintay para sa kaniyang sagot. Ngunit, dahil sa abala si Sunshine sa trabaho noon ay hindi niya sinagot si Tonton at mas pinagtuunan ng pansin ang kaniyang showbiz career.

Ang pangatlo ay comedian-singer na si Keempee de Leon. Ang TV host ang pinakamaraming beses na nanligaw kay Sunshine. Ayon kay Sunshine, niligawan daw siya ni Keempee ng apat na beses. Ngunit, hindi natuloy ang kanilang ugnayan sa pagiging magkasintahan kahit pa man napakabuti daw na tao nitong si Keempee.

Ang pang-apat ay si Kier Legaspi. Sa kabila ng pagiging makisig ng actor, hindi daw siya ang type noon ni Sunshine.

At ang ikalima naman ay si Raymart Santiago. Ayon kay Sunshine, sa lahat daw ng mga personalidad na nanligaw sa kaniya ang pinakanagustuhan niya daw ay ang actor na si Raymart Santiago.Sa katunayan nga nyan, nagkaroon pa ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Raymart at Keempee. Sinasabi daw kasi ni Keempee na siya ang unang nanligaw kay Sunshine.

Tugon naman ni Raymart, may karapatan pa din siyang manligaw kay Sunshine dahil hindi pa naman siya nobyo ng actress.

Ayon kay Sunshine, napaka-gentleman daw talaga ni Raymart ngunit nagkaroon lamang ng problema dahil sa tuwing lalabas daw sila ay napakarami nitong kasama.

Sa huli, inamin ni Sunshine na si Cesar Montano ang naging kauna-unahan niyang nobyo. Para sa kaniya, hindi naman daw niya pinagsisihan na si Cesar ang naging tatay ng tatlo niyang anak na babae.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button