News

Isang Nanay, Nakakita Ng 1 Million Argentine Pesos Na Nakasuksok Sa Bulsa Ng Nabiling Damit Sa Ukayan

Sa ngayon ay patuloy na dumarami ang mga tao na nahuhumaling sa ukay-ukay. Bukod kasi sa mga ukay na madalas ay may branded na nakahalo, mabibili lamang ang mga damit dito sa murang halaga. Minsan pa nga ang iba ay sinuswerte dahil sila ay nakakakuha ng mga nakasuksok na salapi sa bulsa ng damit na kanilang nabili.

Kagaya na lamang ng kwento ni Sandie Peteros. Siya ay bumibili ng mga jacket sa ukay-ukay para umaakyat ng bundok. Noon ay nakakuha ito ng nasa one-hundred Hongkong Dollars sa bulsa ng jacket na kaniyang binili na may katumbas na 650 pesos. Bukod sa jacket na nabili, naka-jackpot pa siya na makakuha ng salapi mula dito.

Kagaya ni Sandie ng Lapu-Lapu City, Cebu, si Loverie din ay isang ukay-ukay vendor na nakakakuha din ng pera sa mga bundle ng damit na kaniyang binibili. Minsan pa nga siya ay nakakuha ng 200 Yuan o P2,000 at siya ay nakakakuha din ng mas malaki pang halaga na umabot ng 700 Yuan o limang-libong piso.

Ngunit, ang may pinakamalaking nakuha sa mga nakasuksok sa mga damit o bundle na kanilang nabibili ay si Badang mula sa Quezon City na nakakuha lang naman ng anim na piraso 1,000,000 Argentine pesos! Ayon sa kaniya, ang damit kung saan niya nakita ang pera ay mula sa sikat na fashion retailer shop na bumagsak sa ukayan. Noong tignan ng kaniyang anak ang halaga ng pera at katumbas nito sa Philippine peso, nagulat na lamang sila na ito ay umabot ng P5-M!

Matapos malaman ang halaga ng pera, kaagad na nagplano si Badang kung saan niya ito maaaring gamitin. Aniya ay gagamitin niya daw ito na pampagawa ng kanilang bahay, pambayad sa kanilang mga utang, matrikula ng kaniyang mga anak, at bibigyan ng tulong ang mga kamag-anak na nangangailangan.

Ngunit, matapos ang pagsusuri na ginawa ng mga eksperto, napag-alaman nila na nasa P8,600 na lamang ang halaga nito ngayon base na din sa P617 na halaga nito noong taong 1983. Kinumpirma din ng embahada ng Argentina na ang perang ito ay wala ng halaga at na-dem0n3tized na.

Ang pag-asa na lamang ni Badang ay maibenta ang pera na ito sa mga money collectors nang sa gayon ay magka-pera siya.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button