News

Isang Service Crew Sa Jollibee, Hindi Napigilan Na Maiyak Matapos Sigawan Ng Isang Customer

Ika nga nila ay walang madaling trabaho. Kung nais mong kumita ng pera, ito ay kailangan mong paghirapan at pagsumikapan ng husto. Gayunpaman, hindi naman ito imposible basta’t ikaw ay masipag, matiyaga, at may determinasyon.

Ang pagiging isang service crew sa mga fastfood chains ay isa lamang sa mga popular na trabaho. Madali din kasing makapasok dito kahit na part time job lamang. Madalas ang mga working students ang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho. Gayunpaman, ang pagiging service crew ay hindi madali.

Bukod kasi sa pagod na kanilang nararanasan sa pagtayo ng buong maghapon, sila ay nalilipasan pa ng gutom. Ngunit, ang mga hirap na pinagdadaanan nila ay hindi alam ng karamihan sa mga customers.

Sa kabila ng pagod at hirap na nararanasan, madalas ay nakakatanggap pa ang mga service crew ng pangmamaliit, pangkuk*tya, at pang-aaw4y ng mga customer.

Kagaya na lamang ng isang service crew na ito na hindi na mapigil na maiyak matapos umano siyang sigaw-sig4wan ng kaniyang customer.

Sa post ng netizen na si Zari Frillez, ibinahagi nito ang larawan ng babaeng crew habang tila pinupunasan nito ang mga luha na tumutulo sa kaniyang mga mata.

Sa naturang post, sinabi ni Zari na sana ay malaman umano ang plate number ng customer na bumastos sa nasabing crew para ito ay matauhan sa kaniyang ginawa.

Kaagad na naging viral sa social media ang naturang post. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit na 16,000 reactions at 15,000 shares ang nasabing post.

Narito ang kabuuang post:

“Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sig4wan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen. Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas bab4stus1n at mumur4hin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate 🥺”

Samantala, napag-alaman naman na isa palang working student ang nasabing service crew.

Marami sa mga netizens ang nahabag para sa nangyari kay Ate at galit naman ang naramdaman para sa cusomer na bum4st0s dito.

Dapat nating tandaan na kailanman ay hindi magiging rason ang pagiging angat natin sa buhay para bastusin o maliitin ang ating kapwa na mas kapos o nangangailangan sa atin. Simple man ang kanilang hanapbuhay, ito ay marangal at dapat ipagmalaki.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button