Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Ng Dating Batikang Aktres Matapos Lisanin Ang Showbiz

Ang dating aktres na si Klaudia Koronel o Milfe Dacula sa tunay na buhay ay nakilala sa kaniyang mga daring roles sa mga pelikula at ilang mga palabas. Bukod pa diyan, isa din siya sa mga tanyag at hinahangaang aktres noong dekada 90.
Nagsimula ang showbiz career ni Klaudia taong 1990 hanggang 2000. Siya ay unang nakilala sa kaniyang pagganap sa ilang mga pelikula katulad ng “Pisil” at “Kesong Puti”.
Lumabas din siya sa iba pang mga genre ng pelikula kagaya ng komedya nang siya ay mapasali sa cast ng “Torotot” noong 2001 kasama si Leo Martinez. Ito ay nasundan naman ng palabas na “Kapitan Ambo: Outside De Kulambo” kasama ang yuma0ng batikang aktor na si Eddie Garcia.
Ngunit kahit pa man nagsimula siya sa industriya bilang s3xy star, pinatunayan pa din ni Klaudia sa lahat na siya ay isang magaling at mahusay na aktres lalo na noong siya ay napabilang sa mga nominado at kalaunan ay ginawaran ng Gawad Urian Awards bilang Best Supporting Actress para sa kaniyang ipinakitang galing sa pelikula na “Live Show” noong 2000.
Kaya naman marami ang nagulat matapos niyang mapagpasyahan na lisanin na ang showbiz industry sa kabila ng kaniyang maganda at matagumpay na karera. Ayon sa ilang mga ulat, napagdesisyunan umano ni Klaudia na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral matapos umalisa sa showbiz limelight. Siya ay nakapagtapos sa kursong BS in Computer Science noong 2005 sa New Era University.
Matapos nito, nagsimula naman ng magtayo ng negosyo si Klaudia at nagbukas ng kaniyang sariling internet shop.
Siya ay nagpakasal sa kaniyang longtime boyfriend na isang Chinese-American businessman na si Andy Zhang noong August 28, 2009 sa Iglesia Ni Kristo Temple sa Quezon City. Sila ay biniyayaan ng isang anak na si Zandy na ipinanganak naman noong 2006.
Si Klaudia ay umalis ng bansa para manirahan sa Gilbert Arizona, USA kung saan siya ang siyang nagaasikaso ng homecare business na ibinigay sa kaniya ng kaniyang asawa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang relasyon niya kay Zhang at ang dalawa ay napagdesisyunan na mag-divorce noong 2014. Gayunpaman, nanatili namang magkaibigan ang dalawa.
Samantala, isa pang malungkot na pangyayari ang nangyari sa kaniya dahil siya ay na-diagnose sa uterine growth taong 2016. Dumaan at sumailalim ang dating aktres sa operasyon para alisin ang kaniyang tum0r na naging matagumpay naman.
Sa ngayon ay nagtatrabaho si Klaudia bilang isang certified nursing assistant at nakatira sa Los Angeles, California kasama ang kaniyang pamilya.