News

Nanay At Mga Kapatid Ni Vice Ganda, Naging Emosyonal Nang Niregaluhan Ni Vice Ng Bagong Bahay

Abot langit ang pasasalamat ng Viceral Family sa bonggang regalo ni Vice Ganda para sa kanila.

Isa si Vice Ganda sa mga kinikilalang artista at komedyante sa showbiz. Bukod sa kanyang talento pagdating sa pag-arte at pagbibigay ng good vibes ay isa rin siyang napakabuting anak at kapatid. Bagama’t sikat na naman ngayon ay malaki pa rin ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya na labis na hinangaan ng mga netizens.

Friday, Agosto 13 nang muling nagbahagi si Vice ng bagong vlog sa Youtube na pinamagatan niyang “THE BIG REVEAL” kung saan ay sinurpresa niya ang pamilya sa regalo niyang maganda at bagong bahay.

Kasabay sa pagdiriwang ng buong Viceral Family sa kaarawan ng “sisteret” ni Vice na si Dr. Tina Viceral ay nakitaan niya ito ng opportunity na ipaalam na sa wakas na mayroon ng bagong bahay ang kanyang pamilya.

Buong akala ng pamilya ni Vice na magkakaroon lamang sila ng simpleng dinner pero nang nalaman na may bongga palang regalo si Vice para sa kanila ay hindi nila napigilang maging emosyonal at mapaiyak sa tuwa.

“Hindi ‘to prank?” pagbibiro ng kapatid ni Vice na si Dr. Tina na tinawanan naman ng Unkabogable Star at ng mga kasamahan nito.

“Masyado ng masikip iyong bahay niyo para sa inyo. Kailangan niyo na ng mas malaki,” sabi ni Vice sa ina.

Halos hindi naman makapaniwala ang Mommy ni Vice sa napakabonggang regalo ng anak para sa kanila.

“I’m very happy. I cannot believe it,” emosyonal na sabi ng Mommy ni Vice.Nilibot naman ni Vice ang pamilyang Viceral sa bago nilang bahay. Makikita naman sa reaksyon ng kanyang pamilya ang labis na tuwa dahil sa matatamis nilang ngiti habang sinusuyod ang bahay.

Ayon kay Vice, kaya niya umano naisip na regaluhan ng bagong bahay ang kanyang pamilya dahil marami umano siyang napagtanto simula nang nagp@ndemya.

“Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience iyong sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila. Gusto ko lang maramdaman naming lahat iyung masarap, iyong masaya, iyong maganda.”

Dagdag pa ni Vice, “Di ko rin alam kung hanggang kailan kami magkakasama. Hangga’t may chance, gusto ko nang ibigay ‘yung bongga hangga’t kaya ko, hangga’t kaya nilang makita, hangga’t kaya nilang ma-experience.”

Present din sa event ang iilang malalapit na kaibigan ni Vice na sina Angeline Quinto, Ryan Bang, Amy Perez, at ang grupo ng kanyang kaibigan na kung tawagin niya na mga “Vakla”. Of course, kasama rin ni Vice ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button