Ateneo Team, Gumawa Ng Panibagong Kasaysayan Sa Kauna-unahang Pagkapanalo Ng Pinas Sa Pinakamalaking Debate Tournament Sa Madrid

Panibagong achievement na maisusulat sa kasaysayan ang baon ng Ateneo team nang nagwagi sila sa pinakamalaking debate tournament sa buong mundo!
Meaningful talaga para sa ating lahat ang pagsalubong natin sa bawat bagong taon pero mas naging special pa ang pagpasok natin sa taong 2023 nang ibinalitang nanalo ang pambato ng Pinas sa World Universities Debating Championship sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa pagsali at pakikipagtagisan ni David Africa at Toby Leung sa kanilang kahusayan at galing sa pagde-debate sa WUDC na ginanagap sa Madrid, Spain nito lamang December 27 hanggang January 4, buong-lakas nilang tinanggap ang challenge at hinarap ang iilan sa mga sikat at prestigious na mga unibersidad sa buong mundo katulad na lamang ng Harvard, Princeton, Stanford, London School of Economics, National University of Singapore, at marami pang iba.
Kahit na’y nakaka-overwhelm na makalaban ang daan-daang teams mula sa iba’t-ibang universities sa buong mundo, ibinuhos talaga ng Ateneo team ang lahat ng kanilang effort at matagumpay nga na nalampasan ang 9 na elimination rounds at ilan pang break rounds hanggang nakatungtong nga sila sa finals ng nasabing competition kung saan ay sila na lamang ang naiwang Asian team.
Kahit na’y sobrang intense ng labanan sa finals kung saan ay pinagdebatehan nila ang paksang “Ubuntu” o “I am because I am,” matagumpay naman na naungusan ng Philippine team ang kapwa nila finalists na mula sa Princeton, Tel Aviv, at Sofia University. Sa huli, itinanghal na kampeon ang team ng Pinas kung kaya’t labis talaga na ipinagdidiwang ng ADMU pati na rin ng proud nating mga kababayan ang milestone na ito dahil napakalaking karangalan lang naman nito para sa buong bansa.
Maliban sa katotohanang ito ang kauna-unahang pagkapanalo ng Pinas sa WUDC, ito rin ang ikalawang panalo na nasungkit ng buong Asya dahil matatandaang isa ring Asian team mula sa BRAC University (Bangladesh) ang nagwagi noong nakaraang taon.
Itinuturing na pinakamalaking debate tournament sa buon mundo ang WUDC kaya expected talaga na hindi bababa sa 260 teams ang sasali pero sa huli, ang pambato ng Pinas ang nakasungkit sa trophy at inuwi ang karangalang forever na pahahalagahan ng buong sambayanang Pinoy.