News

Kuwento Sa Likod Ng Throwback Na Larawang Ibinahagi Ng Isang Pinay FL, Nagsilbing Inspirasyon Para Sa Kapwa Niya Dreamers

Sa napakamurang edad, may mga tao na talagang siguradong-sigurado na sa daan na kanilang tatahakin at mayroon din namang iilan na umaabot pa ng maraming taon at kinakailangan pa ng matinding inspirasyon bago nila mapagtanto ang nais nilang gawin sa buhay katulad na lamang ng kuwento ng isang Pinay na flight attendant na bumuhay lang naman sa interes ng kapwa niya dreamers.

Bago naabot ng mga kilala nating successful na mga tao ngayon ang kani-kanilang milestone sa buhay ay minsan din nilang pinangarap na maabot ito. Marahil ay awtomatiko lamang nila itong na-realize o ‘di kaya’y may nagsilbi at nagbigay sa kanila ng inspirasyon katulad na lamang ni Regina Gregorio na kasalukuyan ngayong nagtatrabaho sa Cebu Pacific bilang isang flight attendant.

Pero sa likod ng kanyang tagumpay ay ang dating siya na minsan nang walang ideya kung ano nga ba ang gusto niyang gawin sa buhay pero dahil sa fateful niyang encounter kay Zai Nucup, nalaman niya sa kanyang puso na gusto niya maging FL.

Nito lamang Biyernes, October 28 nang ibinahagi ni Regina Gregorio sa Facebook ang dati niyang larawan kung saan ay isa lamang siyang pasahero kasama si Zai Nucup na dati nang FL habang sa ikalawa namang larawan na kuha nito lamang bago ay makikita silang magkatabi at nakasuot ng parehong uniform.

Ayon kay Gregorio, matagal na umano niyang pinangarap na makasabay sa paglipad si Zai Nucup na inamin niyang isa sa kanyang mga naging inspirasyon kung bakit niya pinangarap na maging isang flight attendant. At dahil tila’y nakatadhana talaga siya sa nasabing profession, muling nagkrus ang kanilang landas at isinabuhay ang dati nilang larawan.

“Finally! Been looking forward for this moment to happen ever since I got my wings in 5J. If you pray, manifest and work hard for your dream the Lord will make it happen ,” pahayag ni Gregorio.

Dagdag pa niya, “The first picture shown is one of the mainly reason why I dreamt about being a Cabin Crew. It inspires me to pursue my dream and tada after so many years who would have thought that, once again our path has crossed and we now fly together both as a Cabin Crew “.

Kung noon ay si Regina Gregorio ang nakahanap ng inspirasyon, ngayon naman ay siya na ang nagbibigay inspirasyon sa kapwa niya dreamers dahil may ibinilin lang naman siyang payo sa lahat at ito ay “never stop dreaming until it becomes your answered prayer” dahil kung nagawa niya ay tiyak na magagawa rin ito ng iba!

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button