Jake Ejercito, May Inaming Rebelasyon Sa Kanila Ni Andi Eigenmann

Inamin ng Kapamilya star na si Jake Ejercito na hindi madali ang setup nila ng dating partner na si Andi-Eigenmann na co-parenting para sa kanilang anak na si Ellie.
Sa kaniyang nagdaang panayam sa vlog ng aktres na si Francince Diaz, ibinahagi ni Jake ang mga challenges na pinagdaanan nila ni Andi pagdating sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Ellie.
Ayon kay Jake, si Ellie ay masasabi niyang napaka-adventurous na bata habang siya naman ay book lover. Kaya naman nahirapan talaga siya noong una na maghanap ng bonding activity nilang mag-ama. Maliban pa diyan, si Ellie ay bumibisita lamang din sa kaniya dahil ito ay nakatira sa Siargao kasama ang kaniyang ina na si Andi at partner nito na si Philmar.
Dahil minsan lamang sila magkita, minsan ay hindi napipigilan ni Jake na i-spoit ang kaniyang unica hija. Saad niya, sinusulit lamang niya ang oras na sila ay magkasama ni Ellie lalo na at hindi madaling ipabalik-balik ang bata sa Siargao at Manila dahil sa pand3miya.
Aniya,
“Kaya yung setup nga namin, I’m not always with her. Most of the time kasama niya ‘yung mommy niya sa Siargao. So, whenever she’s with me, laging memorable kasi sinusulit ko lagi ‘yung pagkakataon. Kahit nga kahit ayaw ko man, I have no choice but to spoil siya kasi minsan lang kami magkasama.”
Dagdag pa ni Jake, halos taon din ang inabot bago naayos ang kanilang co-parenting setup para sa kanilang anak. Sila ay parehong 21 anyos pa lamang noong sila ay magkaanak. Gayunpaman, unti-unti namang natuto ang dalawa na mag-compromise para na din sa kapakanan ni Ellie.
Dagdag ng aktor,
“Hindi siya madali. And madami na din kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to na we found the right balance. Madami kaming pinagdaanan na ups and downs na parang roller coaster. It took a while. Years before kami dumating sa point na ‘to na inuuna na namin ‘yung welfare ni Ellie.”