Isang Babae, Hinangaan Dahil Sa Kaniyang Wagas Na Pagmamahal Sa Lalaki Na May Kakaibang Hitsura

Kailanman ay hindi magiging batayan ang pisikal na kaanyuan, estado ng buhay, at agwat ng edad sa isa’t isa pagdating sa pagmamahal. Para sa karamihan, mas mahalaga pa din sa kanila ang kalooban at kabutihan ng puso ng taong mamahalin nila.
Katulad na lamang ng babaeng ito mula sa Thailand na nagmahal ng isang lalaki na may kaibahan ang hitsura. Ang 23-taong-gulang na babae ay kinilalang si Phatsara Obnak na nagmahal at nagpakasal sa 37-anyos na si Boonme Khanthong.
Ang dalawa ay patunay lamang na ang pisikal na hitsura ay kailanman hindi magiging hadlang para sa kanilang pagmamahalan.
Ayon sa ulat mula sa Thai News, ang kasal nina Boonme at Phatsara ay ginanap sa isang village sa northeastern sa probinsya ng Surin, Thailand. Sa isang panayam, ikinwento ni Boonme ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kaibahan sa kaniyang mukha.
Ayon sa kaniya, nasira umano ang capillaries sa kaniyang mukha noong siya ay bata pa lamang. Dinala pa nga siya sa Siriraj Hospital sa Bangkok ng ilang beses upang ipatingin ang kaniyang sakit ngunit ito ay hindi na nabigyan ng lunas. Natigil din ang kaniyang pagpapagamot dahil na din sa kahirapan ng buhay nila noon.
Si Boonme ay nakapagtapos lamang ng Grade 5 dahilan para siya ay mahirapan sa paghahanap ng trabaho. Bukod pa diyan, hindi din maintindihan ng mga tao ang kaniyang sinasabi dahil siya ay hirap sapagsasalita.
Mabuti na lamang at tinulungan siya ng kaibigan na si Virat Saothong na isang kontraktor para siya ay magkaroon ng trabaho. Kapag may pagkakataon, tumutulong din siya sa kaniyang kapatid na magbenta ng papaya sa Southern Hat Yai City kung saan niya nakilala si Phatsara.
Minahal ni Phatsara si Boonme dahil sa pagiging mapagmahal at maasikaso nito hindi lamang sa kaniya, kundi pati sa kaniyang anak sa dati niyang asawa.
Patunay lamang ang pag-iibigan ng dalawa na kailanman ay hindi magiging hadlang ang pisikal na hitsura para tayo ay makahanap ng taong magmamahal sa atin.