News

Sikat Na Artista, Inaming Ipinagbubuntis Na Niya Ang Kaniyang Unang Anak

Isang anunsyo ang inihayag ng aktres na si Katarina Rodriguez sa kaniyang social media account tungkol sa pagbubuntis niya sa kaniyang unang anak sa finace na si Nio Barbers.

Inihayag ng beauty queen-turned-actress ang magandang balita sa kaniyang YouTube vlog na may pamagat na “We have an announcement” na ipinost niya noong Lunes, Agosto 9.

Sa simula ng video, nag-joke pa ang aktres at sinabi na siya ay hindi dinatnan ng kaniyang buwanang dalaw sa loob ng siyam na buwan at siya ay magpe-pregnancy test para malaman kung siya ba ay buntis.

Aniya,

“I’ve been telling Nino I think I’m pregnant for a while now and he just keeps saying I’m probably not and I’m just overthinking. But I told him that we’ve been living together for almost two years and, you know…”

Nag-positibo naman ang resulta ng kaniyang pregnancy test sa huli. Sa mga susunod na video ng kaniyang vlog, ipinakita i Katarina ang magandang balita sa kaniyang partener. Makalipas ang ilang sandali, inamin na niya sa kaniyang vlog na siya ay ilang buwan ng buntis.

Saad ni Katarina,

“Hey, everyone. It’s Katarina, and I’m so excited to finally share the big announcement that I have. The secret I’ve been keeping for the past seven months, eight months… And that secret is I’m pregnant!”

Matapos nito, nag-post si Katarina sa kaniyang social media accounts ng ilang mga video mula sa kaniyang pregnancy journey kasama na ang ultrasound video ng kaniyang anak at baby shower na ginanap sa Siargao na dinaluhan naman ng ilan sa kaniyang malalapit na kaibigan tulad ng aktres na si Andi Eigenmann.

Ang 28-year-old actress na si Katarina ay unang nakilala ng publiko noong 2014 nang siya ay mapasama sa mga runner up ng second season ng reality show na Asia’s Next Top Model. Siya ay naging Bb. Pilipinas Intercontinental noong 2017 at ni-representa ang Pilipinas sa Miss Intercontinental pageant kung saan nauwi siya ay nanalo bilang second place.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button