Ruby Rodriguez, Inihayag Ang Sama Ng Loob Tungkol Sa Nangyaring Biglang Pag-alis Niya Sa Eat Bulaga

Hindi na napigilan ng TV host-comedian na si Ruby Rodriguez na ihayag ang kaniyang saloobin tungkol sa pagkawala niya sa longest running noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga. Si Ruby ay kasalukuyang nasa Amerika at nagtatrabaho bilang normal na manggagawa sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Si Ruby ay naging co-hsot ng Eat Bulaga ng tatlumpu’t isang taon kaya marami ang nagtaka nang siya ay hindi na makita sa naturang palabas.
Tanging “ask them” lamang ang madalas na isinasagot ni Ruby sa tuwing siya ay tinatanong tungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga dahil hindi din niya alam ang sasabihin ukol dito.
Sa kaniyang panayam sa virtual media conference ng Viva Artist Agency, nag-isip pa sandali si Ruby nang tanungin siya kung may sakit siyang naramdaman sa nangyari.
Aniya,
“Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit.
“Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I’ve been with you for 31 years and just like that.
“I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang.”
Sa naging sagot na ito ni Ruby, may ilan na nagsasabi na tila mayroong sama ng loob si Ruby sa namamahala sa longest-running noontime show sa bansa.
Ayon kay Ruby, ang unang nakaalam sa kaniyang plano na magtrabaho sa ibang bansa ay walang iba kundi sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Hindi din daw niya ito nasabi noon sa iba pa nilang kasama sa nasabing palabas dahil biglang nagdeklara ng enforced quarantine noong Marso 15, 2020.
Paglilinaw niya, hindi niya biglaang iniwan ang show kundi nag-file lamang siya ng leave of absence.
Gayunpaman, sa kabila ng nangyari ay masaya pa din si Ruby dahil ang pagkawala din niya sa Eat Bulaga ang siyang naging tulay para mas lalong tumibay ang kaniyang relasyon sa kaniyang pamilya at sa Diyos.