News

Isang Engineering Graduate Naging Successful Sa Kanyang Cake Business

Pinaguusapan ngayong ang Engineer graduate na si Danica Lynne Casta dahil sa pagiging succesful nito sa kaniyang cake business.

Graduate si Danica sa kursong Construction Engineering. Hindi naging madali sa kaniya na simulan ang career na tinahak dahil nagtapos ito kasagsagan ng lockdown sa bansa. Sa kagustuhan na makatulong agad sa pamilya, napagdesisyunan ni Danica na isantabi muna ang kaniyang engineering career at humanap ng panandaliang online job.

Naisipan nitong bumili ng maliit na oven gamit ang naipon nito sa kaniyang huling sahod. Ito ay para makagawa ng isang birthday cake para sa kaniyang pamangkin. Pumatok hindi lang sa pamilya nito ang cake na gawa niya pati na rin sa masa.

Naisipan nitong gawing business ng pagbebake. Ang business nitong ‘Amberlyns Cake’ ngayon ay unti unting lumalago at nakikilala. Hindi lang masarap ang gawang cake ni Danica, swak na swak din sa budget ang tinda nitong cakes.

Kilala sa paggawa ng bento cakes na may kakaibang disenyo ang Amberlyns Cake. Kaya sa kahit anong okasyon ay patok na patok ang mga ito. Pati ang mga artista ay umoorder na rin sa kaniyang online bake shop.

Patuloy na nagsusumikap si Danica na maimprove pa ang kaniyang craft. Nagsimula man ito sa simpleng designs, ngayong ay kayang kaya na niya ang iba’t ibang designs na gusto ng kaniyang buyer para sa kanilang costumized cake.

Sa ngayon ay meron na itong walong empleyado at ilang investments. Hindi naman binitawan ni Danica ang pangarap nitong maging engineer. Sa katunayan ay pinagpatuloy nito ang pag-aaral at ngayon ay nagma-masteral habang ito ay full time baker sa kaniyang negosyo.

Ang negosyong Amberlyns cake ni Danica ay kumikita na ngayon ng six-digit. Tila naging blessing in disguise ang negosyong ito para sa kaniya. Panandalian mang naudlot ang kaniyang pangarap na maging engineer at maging succesful, dahil sa determinasyon at sipag ni Danica ay nagawa na nitong makatulong sa pamilya.

Ngayon ay patuloy nitong inaabot ang pagiging engineer at isa na rin sa pangarap ni Danica ang magkaroon ng sariling physical store para sa kaniyang cake business.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button