News

Eruption, Grateful Dahil Sa Opportunities Na Dumating Sa Kanya Pagkatapos Maging Parte Ng It’s Showtime

Wala talagang kasiguraduhan sa mundo ng showbiz dahil kahit gaano pa ka-successful ang career ng isang celebrity ay posible itong bumaliktad at magbago sa iisang kurap lamang kaya mas mainam talaga na mayroon tayong ibang plano pero kakaiba pa rin talaga kapag nangyari na ito mismo sa atin dahil ang noo’y show na bumabati sa atin ng napakainit na yakap ay kinakailangan ng magsara ng pintuan dahil sa mga pagbabagong kailangang ipatupad.

Simula nang naging parte sa “It’s Showtime” ay labis talagang nakilala ng madlang people si Eric Tai o mas kilala natin sa pangalang Eruption. Maliban sa pagiging hunk at talento niya sa pagsayaw, hindi rin biro ang kanyang hosting skills kaya hindi talaga kataka-taka kung bakit kaagad siyang naging favorite ng mga manonood.

Sa pag-angat niya sa kasikatan ay hinahanap-hanap talaga siya ng madlang people sa bawat episode ng show kaya nang biglang nawala sa “It’s Showtime” noong 2016, marami talaga ang nagtaka at napatanong.

Sa mga unang buwan simula nang biglaang nilisan ang show, hindi kailanman nag-provide ng kahit anong statement ukol sa issue si Eruption hanggang sa lumipas ang anim na buwan at lakas-loob na niyang nasasagot ang tanong ng karamihan.

“I didn’t say anything. I did not even release any statement until 6 months later kasi ang daming nagtatanong. Deadma lang until like six months or a year later… ‘Why, Eruption? Anong nangyari?’ Then what I say is reformat and hindi na nila kami kailangan,’” pahayag niya sa interview kasama si Julius Babao nito lamang February 28, 2023.

Bagama’t aminado man na medyo nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang career sa “It’s Showtime,” malaki naman ang pasasalamat ni Eruption dahil ramdam na ramdam umano niya ang presence ni Lord sa mga panahong ‘yun.

“A little bit but the prayers helped me. It strengthen me like “okay, man. You can do this, Eric. You’re Eruption now, man.’ Parang something was telling me, ‘You’re Eruption. You can handle this. Spread your wings and fly,’” pagbabalik-tanaw niya.

Sa paglisan ni Eruption sa show, inamin niyang wala siyang kaalam-alam kung ano ang susunod niyang gagawin pero kaliwa’t kanan naman ang pagdating ng sandamakmak na opportunities kung kaya’t nagawa pa rin niyang maipagpatuloy ang kanyang career bilang TV personality. Isa na nga sa major niyang achievement ay ang mapabilang sa “The Amazing Race” sa Sinagpore at nito lamang bago, sumikat lang naman worldwide ang kanyang damoves sa “Ting Ting Tang Ting” challenge.

“This is crazy! Ting Ting Tang Ting is real!” ito ang naging reaksyon ni Eruption nang umani ng milyon-milyong views ang ibinahagi niyang video sa social media. Dahil sa pagiging patok ng kanyang damoves, marami talaga ang gumaya at nakisali sa trend!

Isa talagang patunay si Eruption na kahit walang katiyakan sa mundong ito ay huwag na huwag tayong mawalan ng pag-asa at piliing magpatuloy sa buhay dahil maaaring ang noo’y akala nating malaking kawalan ay isa palang redirection.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button