Nag-iisang Anak Na Lalaki Ni Ina Raymundo, Binihag Ang Puso Ng Maraming Netizens Dahil Sa Kanyang Kapogian At Kakisigan

Itinuturing na isa sa pinakamaganda at pinaka-seksing aktres sa industriya ng showbiz, hindi maikakailang parang hindi tumatanda si Ina Raymundo at sa edad na 46 ay mukha pa rin siyang bata, super s3xy at fresh!
Sabi nga nila, mukhang nahanap ni Ina ang ‘fountain of youth’ at napanatili niya ang kanyang youthful glow hanggang ngayon.
Matatandaang nakilala si Ina dahil sa kanyang mga s3xy role noong 90s sa ilang pelikula, teleserye at advertisement gaya ng proyekto niyang “Sabado Nights”.
Wala ngang masyadong nagbago kay Ina mula nang sumikat siya noong 90s. Sa halip ay mas lalo pa siyang gumanda at sumeksi ngayon, kahit pa mayroon na siyang limang anak sa kanyang mister na si Brian Poturnak na isang Ukrainian-Canadian businessman.
Marahil ay dahil sa pinaghalong ganda ni Ina at banyagang kagwapuhan ng kanyang mister kaya naman ang kanilang mga anak ay nagtataglay din ng nakakahangang kagandahan at kagwapuhan.
Kamakailan lang, agaw atensyon sa social media ang unico hijo ni Ina na si Jakob dahil sa taglay nitong kapogian at napakagandang katawan.
Sa litratong ipinost ni Ina sa kanyang Instagram account, ipinakita niya kung gaano na katangkad ang kanyang anak at nagmimistula na niya itong “kuya”.
Hindi nga maiwasan ni Ina na mapatanong kung nasaan na napunta ang kanyang “little munchkin” dahil binatang-binata na ito ngayon.
“The upside to having a tall son, he looks like my “Kuya”. But on a serious note, where did my little munchkin go?” saad ni Ina.
Samantala, agad na pinagkaguluhan ng maraming netizens si Jakob dahil sa larawang ipinost ni Ina. Kitang-kita kasi sa larawan ang artistahing look ni Jakob na pwedeng ihanay sa ilang hollywood actors tulad nina Zac Efron, Brad Pitt, at Keanu Reeves!
Lingid sa kaalaman ng lahat, sa edad na 17 ay umabot na sa 6’1 ft. ang taas ni Jakob. Parang hunk actor din ang dating ng katawan nito dahil isa itong athlete.
Sa katunayan, proud na ibinahagi ni Ina noong nakaraang taon na isa nang official college baseball player si Jakob sa Amerika, kung saan maglalaro ito para sa Xavier University, sa Cincinnati, Ohio.
At bukod sa pagiging isang mahusay na baseball player, alam n’yo bang may ipinagmamalaki rin talento si Jakob sa pagtugtog ng piano? Isa rin itong mapagmahal na anak at ‘kuya’ sa kanyang mga magagandang kapatid na sina Erika Rae, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve.
Talaga namang wala ka nang hahanapin pa kay Jakob kaya’t hindi na nakakagulat kung bakit labis na lamang siyang pagkaguluhan ng maraming kababaihan!