News

Chikiting ni LJ Reyes na si Summer, may sariling version sa kantang “Hataw Na”

Maliban sa innocence ng mga bata, effortless din nila tayong napapasaya dahil sa kanilang pronunciation at mali-maling pagkakabigkas ng mga salita katulad na lamang ng bunsong anak ni LJ Reyes na nakabuo lang naman ng sariling version sa kantang “Hataw Na” dahil sa kanyang mali-maling lyrics.

Kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa si LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang chikiting na sina Aki at baby Summer Ayana. Matapos ang break-up ng aktres at ni Paolo Contis, napagdesisyunan ni LJ na magpunta sa New York kung saan kasalukuyang nanininirahan ang kanyang ina at kapatid. Bagama’t malayo man ngayon sa kanyang Pinoy fans, nilinaw naman ng 34 taong gulang na celebrity Momshie na mananatiling malapit ang kanyang puso sa mga ito. Sa katunayan, kahit na’y abala man sa kanyang bagong buhay sa New York, hindi naman nakakaligtaan ni LJ na magbigay ng updates na palagi namang pinagkakaguluhan ng netizens lalong-lalo na kapag featured ang kanyang baby girl na si Summer Ayana.

Ayon nga sa karamihan, madalas na namamana ng mga babaeng chikiting ang kanilang Mommy at tila’y totoo naman ito sa sitwasyon ng mag-inang si LJ at Summer dahil bukod sa pagiging isang fashionista at pagkahilig sa photoshoots, kilala rin ang baby girl ng aktres bilang isang makulit at bibong bata dahil sa nakakatuwa nitong videos na patuloy na ibinabahagi ng kanyang Mommy LJ sa social media.

Nito lamang, muli na namang nagbahagi ng adorable na video sa Instagram kung saan ay mapapanood ang pagsayaw at pagkanta ni baby Summer ng “Hataw Na” kung saan ay mali-maling lyrics ang kanyang binigkas dahil imbes na “Hataw Na” ay “Hakaw na” ang kanyang sariling version dahilan kung bakit napaisip ang kanyang Mommy LJ kung gutom ba ang anak.

“HAKAW NA!” Gutom ka ba, anak???🤣😅,” sulat ni LJ sa kanyang caption.

Bagama’t mali-mali man ang kanyang lyrics, mapapansin naman na sobrang proud at confident pa si baby Summer sa ginagawa dahil sinasabayan pa nga niya ito ng konting sayaw dahilan kung bakit sobrang naaliw at bumenta ito sa netizens.

“Hahaha aww so cute!!! 🥹”

“wahahaha 😂😂😂😂 benta talaga si summer, may slang pa. hahaha 😂😂😂”

“Hahaha Summer Hakaw na! 😂😍”

“Cute cute naman nyan. Sarap kurutin sa singit 😹”

Kahit na’y mali-mali man ang kanyang lyrics, bawing-bawi naman ito sa energy at confidence ni baby Summer dahilan kung bakit bet na bet siya ng netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button