Troy Montero, Isang Proud Dad Nang Nalamang Nakakapagsalita Na Ang Kanilang Baby Girl Na Si Rocket

Bago pa man mag-iisang taong gulang ang isang bata, nabibigkas na nila ang mga salitang “Mama” o “Papa” pero para sa celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero, hindi ito ganoon kadali dahil kinailangan lang naman nilang maghintay ng mahaba-habang panahon bago nila tuluyang narinig ang mga salitang ito sa kanilang baby girl na si Rocket dahil kung ikukumpara sa iba, medyo mabagal ang development ng kanyang abilidad sa pagsasalita kaya labis talaga ang pagpapahalag ng pamilyang Montero sa bawat salita at katagang binibigkas ni Rocket habang lumalaki.
Noon pa man, open at vocal na talaga si Aubrey Miles at Troy Montero sa kondisyon ng kanilang 4 anyos na anak na si Rocket na na-diagnose ng “Autism Spectrum Disorder” kaya marami talaga ang sumusubaybay sa bawat milestone ng bata lalo na ngayong kasalukuyan itong sumasailalim ng therapy.
Sa pagsisimula pa lamang ni Rocket sa kanyang therapy, numero unong supporters na talaga niya ang kanyang parents kaya talagang tuloy-tuloy ang kanyang progress pero tila’y ngayon lamang nasaksihan ni Troy ang napakalaking improvement ng anak dahil kaya na nitong makapagsalita ng buo at tuloy-tuloy!
Sa video na ibinahagi ng dating aktor sa Instagram, mapapanood na kinakantahan si Rocket ng kanyang teacher ng “Happy Birthday” nang bigla na lamang na sumambit ang chikiting ng mga katagang “Happy birthday to you” na labis namang ikinatuwa ng kanyang Daddy Troy. Sa katunayan, muntik na nga siyang maiyak nang unang mapanood ang video.
“Overflowing Happy Tears!! ❤️😭 😭 😭 Rocket’s OT teacher shared this video with me today during our session summary and oh my gosh, I almost cried on the spot (I waited till I got to the car LOL) then I sent this to Rocket’s mommy and it totally made her day!” Sulat ni Troy sa kanyang caption.
Dagdag pa niya, “Tears of happiness, hearing four words coming from our non-verbal little girl, ugh💕 She can say letters and a few select words but until today nothing put together.”
Pagkukuwento pa ni Troy, 30-40 beses na umanong pinapanood nila ng asawa ang video na ito ni Rocket at sa bawat ulit nila ay mas nangingibabaw lamang ang kanilang kasiyahan sa progress ng anak.
Marahil ay coincidence lamang ang lahat ngunit sobrang perfect talaga ng timing dahil isang linggo bago mag-4 years old si Rocket ay nakabigkas lang naman siya ng 4 na salita. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nagawa ng kanilang chikiting na magsalita ng ganito kahaba plus tuloy-tuloy pa kaya understandable talaga kung bakit naging emosyonal si Troy at sobrang obsessed nilang mag-asawa sa paulit-ulit na panonood nila sa video ni Rocket.
Marahil ay maliit na bagay lamang ito para sa iilan ngunit para kina Aubrey Miles at Troy Montero na mga magulang ng isang non-verbal na chikiting ay itinuturing talaga nila itong milestone. Congratulations, baby Rocket!