Mula 75 Kilos To 59 Kilos: Andi Eigenmann, Ibinahagi Ang Kanyang Pinakabagong Fitness Progress

Ang katawan natin ay nagbabago sa paglipas ng panahon depende sa yugto kung nasaan tayo sa buhay.
Kabilang nga si Andi Eigenmann sa mga kilalang artista na palaging vocal tungkol sa pagtanggap niya sa mga pagbabago sa kanyang katawan
palaging ipinapahayag ni Andi na mahal na mahal niya ang kanyang katawan anuman ang hugis at anyo nito.
At noong nakaraang Marso lamang nang gumawa ng appreciation post si Andi sa kanyang katawan kung saan binigyang-diin niya na ang kanyang post-partum body ay pwede ring magbago tulad umano ng kanyang “young athlete body, my junkfood- filled lazy student body, my artista body, my pre-pregnancy, pregnancy body and so on!”
Iginiit din niya noon na kahit ano pa ang kanyang katawan ngayon ay tanggap niya ito at nagpapasalamat siya rito.
Gayunpaman, sinimulan pa rin ni Andi ang kanyang fitness journey.
Tulad ng iba, hindi lamang goal ni Andi na sumabak sa isang fitness journey para magbawas ng timbang kundi para na rin maging malakas at malusog.
Kamakailan naman ay nagbahagi si Andi ng ilang updates tungkol sa kanyang fitness journey kung saan masaya niyang ibinalita na malaki na ang improvement sa kanyang timbang mula noong nagsimula siya.
Huling update na ibinahagi ni Andi ay noon pang Marso at noong mga panahong iyon ay maaalalang 75 kilos pa ang kanyang timbang at ang kanyang waistline ay 39 inches.
Mahigit walong buwan naman ang makalipas mula nang huling fitness progress report ni Andi ay ibinahagi niyang 59 kilos na lamang ang kanyang timbang ngayon at ang kanyang dating waistline ay nabawasan ng 10 inches. Talaga namang makikita sa mga larawan na ipinost ni Andi sa kanyang Instagram stories ang laki ng kanyang ipinayat.
Ayon naman kay Andi, excited na siyang mag-workout muli matapos niyang maging busy sa homeschooling ng kanyang panganay na si Ellie.
Ani Andi, “First progress report in agessssss! Been busy w homeschool but now that we’ve picked up a good pace, can’t wait to work out again.”
Lingid sa kaaalaman ng karamihan, sa ngayon ay nakabase na si Andi sa Siargao island kung saan kasama niya ang kanyang fiancè na si Philmar Alipayo at ang kanilang dalawang anak na sina Lilo at Koa.
Samantala, kamakailan lamang din nang bumalik sa isla ang panganay ni Andi mula sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito na si Ellie.
Updated naman ang mga tagahanga ni Andi sa kanilang island life dahil sa kanyang mga ibinabahaging vlog sa kanilang YouTube channel.